NASA ika-46 na taon na ang selebrasyon ng Earth Day. Ang pandaigdigang paggunita ay pinangungunahan ng Earth Day Network (EDN), “the world’s largest recruiter to the environmental movement.” Nakikipagtulungan ang EDN sa mahigit 50,000 na katuwang nito sa 196 na bansa “to build environmental democracy.” Layunin ng network na palawakin sa mundo ang environmental movement at gamitin ito bilang pinakaepektibong paraan sa pagkakaroon ng malusog na kalikasan.

Hangad ng EDN na masolusyunan ang mga problemang dulot ng climate change at maprotektahan ang Earth para sa mga susunod na henerasyon.

Ngayong taon, habang nalalapit ang ika-50 anibersaryo ng Earth Day, nananawagan ang EDN sa mga indibiduwal, mga kinauukulang grupo, at mga gobyerno na tumulong upang matamo ang isa na marahil sa pinakaambisyosong misyon sa kasaysayan, ang makapagtanim ng 7.8 bilyong punongkahoy pagsapit ng 2020. Ang mga puno ang una sa limang pangunahingm layunin na itinakda ng EDN para sa limang-taong countdown sa ika-50 anibersaryo ng Earth Day.

Bakit ang mga puno? Magagawang labanan ng mga puno ang climate change sa pamamagitan ng pagsipsip ng labis at mapaminsalang CO2 mula sa kapaligiran. Sa loob lang ng isang taon, isang acre ng matatandang puno ang nakasipsip ng kaparehong dami ng CO2 na nalikha sa pagmamaneho ng isang sasakyan sa layong 26,000 milya. Tumutulong din ang mga puno para sariwang hangin ang malanghap ng tao. Sinisipsip ng mga puno ang amoy at pollutant gases (nitrogen oxides, ammonia, sulfur dioxide, at ozone) at sinasala ang maliliit na dumi sa hangin sa pamamagitan ng pag-iimbak ng mga ito sa kanilang mga dahon at katawan. Tumutulong din ang mga puno upang matamo ng mga komunidad ang pangmatagalang kapakinabangan sa ekonomiya at kalikasan at nagkakaloob ng pagkain, enerhiya, at kita. Pinoprotektahan ng mga puno ang mga komunidad dahil napipigil ng mga ito ang pagdausdos o pagguho ng lupa.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hinihimok din ng EDN ang mga gobyerno at mga lumilikha ng mga polisiya na talikuran na ang fossil fuels, gawaing 100 porsiyentong renewable ang mga siyudad, at makibahagi sa pagsasakatuparan sa napagkasunduan sa Paris Climate Summit at tuluy-tuloy na itaguyod ito.

Ang kauna-unahang Earth Day, na idinaos noong 1970, ay nagbigay ng tinig sa sumusulong na kamulatan. Tumulong ito upang sama-samang pakilusin ang sangkatauhan para resolbahin ang mga usaping pangkalikasan. Sa ngayon, patuloy na namamayagpag ang Earth Day sa mga pambihirang ideya sa impluwensiya na rin ng mga halimbawang ipinamamalas nito.

Bilang suporta sa paggunita sa Earth Day 2016, maglulunsad ang iba’t ibang grupo at organisasyon sa Pilipinas ng sari-saring aktibidad, kabilang angh recyclables fair sa Pasig City, isang environmental forum sa Benguet, pagtatanim ng mga puno sa Pangasinan, paglilinis sa mga baybayin at pagtatanim sa bakawan sa Capiz, isang mangrove walk at mangrove planting activity sa Leyte, isang public awareness and environmental seminar sa Misamis Occidental, at aktibidad na “Love Affair with Nature” sa Davao Oriental.

Sa ating pagdiriwang ng Earth Day 2016, hinihimok tayo ng Earth Day Network na makialam at makisangkot dahil ang pagbabago sa mundo ay magsisimula sa pagbabago sa sariling munting sulok na ating kinaroroonan.