ROME (AFP) – Sinabi ng UN refugee agency nitong Miyerkules na 500 migrant mula sa Africa ang pinangangambahang nalunod sa Mediterranean Sea, sa posibleng isa sa pinakamalagim na trahedya simula nang mag-umpisa ang refugee crisis sa Europe.

Sinabi sa UNHCR ng mga survivor, nakitang palutang-lutang sa dagat bago nasagip ng isang dumaraang merchant ship noong Abril 16, na maraming migrante ang nalunod nang tangkain ng mga human trafficker na ilipat ang mga tao sa isang bangka, na puno na ng mga pasahero habang nasa tubig sa pagitan ng Libya at Italy.

‘’The survivors told us that they had been part of a group of between 100 and 200 people who departed last week from a locality near Tobruk in Libya on a 30-metre (100-foot) boat,’’ nakasaad sa pahayag ng UNHCR.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

‘’After sailing for several hours, the smugglers in charge of the boat attempted to transfer the passengers to a larger ship carrying hundreds of people in terribly overcrowded conditions,’’ ayon dito, idinagdag na kasunod nito ay tumaob at lumubog ang mas malaking bangka.

“If confirmed, as many as 500 people may have lost their lives when a large ship went down in the Mediterranean Sea at an unknown location between Libya and Italy,” sabi ng ahensiya.

Ang 41 survivor -- 37 lalaki, tatlong babae, at isang tatlong taong gulang na bata – ay kabilang sa mga migrante nakasakay pa rin sa mas maliit na bangka nang lumubog ang mas malaking bangka at ang ilan ay nagawang makalangoy pabalik sa mas maliit na bangka.

Pinaniniwalaang apat na araw na silang palutang-lutang sa dagat bago masagip ng isang Philippine-flagged cargo vessel at dinala sa Kalamata sa Peloponnese peninsula sa southern Greece.

Sa mga nasagip, 23 ay Somali, 11 Ethiopian, anim ang Egyptian at isang Sudanese, ayon sa pahayag.