MANGALDAN, Pangasinan - Umabot sa 31 kabataan ang nalason sa kinaing hapunan habang nasa relihiyosong pagtitipon na tinawag na archdiocese youth camp, sa bayang ito.

Ayon kay Dr. Ofelia Rivera, municipal health officer sa bayang ito, karamihan sa mga biktima ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagtatae, at pagkahilo kaya isinugod sa health center nitong Miyerkules.

Sa panayam sa radyo kahapon, sinabi ni Rivera na kumain ang mga biktima ng kaldereta, lechon, manok at pansit.

Batay sa inisyal na report, pinaniniwalaang naapektuhan ng matinding init ng panahon ang kinain ng kabataan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Agad din namang nakauwi ang mga biktima, bagamat isa sa kanila ang dinala sa Pangasinan Provincial Hospital dahil sa panghihina ng katawan. (Liezle Basa Iñigo)