Inihayag ng hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na 100 porsiyento nang handa ang pulisya sa Metro Manila para sa eleksiyon sa Mayo 9.

“We are 100 percent ready. But still, we continue to review and assess the security plan and contingency plan para madali natin ma-address any kind of situation,” sinabi ni NCRPO chief Director Joel Pagdilao sa coordinating conference ng Commission on Elections (Comelec)-NCR nitong Miyerkules.

Sinabi ni Pagdilao na nasa 70 porsiyento ng tauhan ng NCRPO, o nasa 20,000, ang ipakakalat upang matiyak ang seguridad sa halalan.

“As of now, wala pang election watch list on the areas in Metro Manila but the district directors of the five districts and the 17 chiefs of police continue to review and assess what is happening on the ground. We are doing this para kung anong kailangan baguhin ma-improve para maging relevant sa situation,” sabi ni Pagdilao.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

(Francis T. Wakefield)