UNITED NATIONS (AP) – Hinimok ni Deputy Secretary-General Jan Eliasson ang mga lider mula sa gobyerno, negosyo at civil society na magsanib-puwersa upang maisakatuparan ang 17 U.N. goals para wakasan ang kahirapan at mapreserba ang planeta pagsapit ng 2030, idiniin na “failure is simply no option.”
Kabilang siya sa mahigit 150 nagsalita sa high-level U.N. event noong Huwebes upang udyukan ang implementasyon ng mga adhikain na pinagtibay ng mga lider ng mundo noong Setyembre. Ito ay kinabibilangan ng pagtitiyak ng “healthy lives” at de kalidad na edukasyon hanggang sa pagbura sa kahirapan at pagkakaroon ng gender equality.
Hinimok naman ng aktor at advocate na si Forest Whitaker ang mamamayan ng mundo na magkaisa para makamit ang mga adhikain ng U.N.