SYDNEY (AP) — Kung ang iba’y nagkakandarapa para makalaro sa Olympics, iba ang dating ni Adam Scott.

Ipinahayag ng 2013 Masters champion nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) na hindi siya lalahok sa Olympics sa Rio de Janeiro sa Agosto.

Sa pahayag na inilathala ng PGA of Australia, sinabi ni Scott na hindi siya makalalaro sa Rio Games kung saan lalaruin ang golf sa unang pagkakataon mula noong 1904.

Aniya, nabuo ang kanyang desisyon “has been taken as a result of an extremely busy playing schedule around the time of the Olympics and other commitments, both personal and professional.”

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Iginiit ng world No.7 na ipinaalam na niya ang kanyang desisyon kay Australian captain Ian-Baker-Finch at sa iba pang opisyal ng National Olympics of Australia at naunawaan naman umano ang kanyang panig.

Nauna rito, naipahayag ni Baker-Finch sa panayam ng Melbourne radio station na kapwa pinananabikan nina No. 1-ranked Jason Day at ni Scott ang katawanin ang Australia sa golf competition ng Olympics.