Dahil sa kakapusan sa bigas na dulot ng El Niño, pinasok ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang imbakan ng bigas ng isang konsehal at tinangay ang saku-sako ng bigas na nagkakahalaga ng P2.4 milyon, sa Valencia City, Bukidnon.

Patuloy pang tinutugis ng pulisya ang may 60 hinihinalang rebelde na nanloob sa rice mill na pag-aari ni Councilor Helen Bernal, sa Barangay Nabagong, Valencia City.

Ayon sa report ng pulisya, nilusob ng mga armadong suspek, na ang ilan ay babae, ang bodega ng bigas ni Bernal nitong Martes.

Sinabi ni Senior Insp. Danielo Bellezas, tagapagsalita ng Bukidnon Police Provincial Office (BPPO), kabilang sa natangay ng mga rebelde ang nasa 1,270 sako ng bigas at maging ang personal na kagamitan ng mga empleyado.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ayon kay Bellezas, tinangay din ng mga rebelde ang apat na truck na ginamit sa pagnanakaw ng bigas.

Wala namang nasaktan sa mga empleyado ng bodega sa insidente, ayon kay Bellezas. (FER TABOY)