PEDERNALES, Ecuador (AFP) – Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga namatay sa 7.8 magnitude na lindol sa Ecuador matapos magbabala ang mga awtoridad na 1,700 katao na ang nawawala. Sa huling tala nitong Martes, 480 na ang namatay.

Umaalingasaw sa paligid ang masansang na amoy ng mga nabubulok na bangkay habang unti-unti nang nauubusan ng pasensiya ang mga residente ng Pedernales at Manta.

“My brother Irvin is under there. The firefighters only arrived this morning. Ecuador is not prepared for such a catastrophe,” sabi ni Samantha Herrera, 27, habang iniikot ang gumuhong hotel sa Manta noong Martes.

Sumaklolo na ang daan-daang emergency workers mula Colombia, Mexico, El Salvador, Spain at iba pang bansa.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture