Dalawang dating head coach ng De La Salle University Green Archers ang unang sasalang bilang coach ng mga koponan na unang maghaharap sa pagbubukas ng 2016 Fil-Oil Flying V Premier Pre-season Cup sa Abril 30, sa Fil- Oil Arena sa San Juan City.

Nakatakdang sumabak sa opening day ang magkapatid na Derick at Franz Pumaren na ngayo’y head coach ng University of the East at Adamson University, ayon sa pagkakasunod.

Makakasagupa ng Falcons ni coach Franz ang kanyang dating koponang La Salle sa unang laban habang magkakasubukan ang Red Warriors ni coach Derick at Ateneo De Manila Blue Eagles sa huling laban na kapwa mapapanood sa ABC-CBN Sports.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?