ROSEMARIE LANG_please crop copy

KINUMPIRMA ni Renzo Cruz, kapatid ni Sheryl Cruz, na nasa Pilipinas ang ina nilang si Rosemarie Sonora. Ayon kay Renzo, ilang linggong bakasyon lang daw ang dahilan kaya naririto ang kanilang ina.

Wala raw kinalaman sa pulitika ang biglaang pagdating ni Rosemarie, na natiyempo lang habang election season kaya kung anu-anong intriga raw ang kumakalat.

Matagal nang nag-migrate sa America at nakapag-asawa ng Amerikano si Rosemarie Sonora. Banggit pa ni Renzo, masaya ang buhay ngayon ng kanilang ina sa piling ng asawa.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Mariin ding itinanggi ni Renzo na may isang political party na kumakausap sa kanila.

“Hindi totoo ‘yun. In fact, ayaw naming magsalita talaga sa pagbabakasyon ni Mommy sa Pilipinas. Hayaan na n’yo na lang muna kaming makapag-bonding na mga anak at mga apo niya,” banggit ni Renzo nang tawagan namin.

Nangako ang dating actor na siya mismo ang tatawag sa amin sa mga susunod na araw para magbigay ng komento sa mga isyung lumalabas.

Kung dati ay sa bahay ni Susan Roces tumutuloy si Rosemarie tuwing nagbabakasyon, bakit hindi raw alam ng una ang pagdating ng huli?

“Well, ayokong sumagot sa bagay na ‘yan. Basta hintayin mo na lang kasi may mga bagay talaga na dapat itahimik lang muna,” sagot ni Renzo.

“Sa totoo lang, my mom comes home every two years. Binisita niya lang kami. Wow… talagang election season na talaga,” sey pa rin ni Renzo.

Silang mga anak naman daw talaga ang inuuwian ng kanilang ina.

“Kami naman talaga ang inuwian ng mama ko. She just wants to rest and see our children and her new apo. That’s it, at walang kinalaman ang pulitika dito,” mariing banggit pa ni Renzo.

Nagtataka siya kung bakit pati raw sila ay pilit na idinamay sa isyu. Pilit ding iniintriga ang pansamantalang hindi niya pagpasok bilang isa sa mga staff sa opisina ng pinsan niyang si Sen. Grace Poe.

“Di ko talaga alam kung bakit nila kami isinasali sa pulitika,” sabi pa niya.

Samantala, ikinuwento rin niya na enjoy na enjoy si Rosemarie sa pagbabakasyon na laging kasa-kasama ang mga apo sa kanila ni Sheryl. Sa bahay ni Sheryl tumuloy ang kanilang ina. (JIMI ESCALA)