Nakuha ng National University ang pagkakataon na mabawi ang men’s volleyball title na nabitiwan nila sa nakalipas na season.

Nakabawi ang Bulldogs mula sa masamang simula at nagawang magamit ang bentahe sa player sa third set tungo sa 19-25, 25-20, 25-20, 25-23, panalo sa “sudden death” ng Final Four playoff kahapon at makausad sa championship round ng 78th UAAP men’s volleyball championship, sa MOA Arena sa Pasay City.

Makakaharap nila ang Ateneo de Manila Blue Eagles sa titular showdown.

Ito ang ikaapat na sunod na final appearance ng NU Bulldogs at ikatlong pagkakataon kontra sa Blue Eagles.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“’Yung sa first set hindi namin alam ang gagawin namin. Sobrang agresibo ng kalaban namin,” sambit ni NU coach Dante Alinsunuri.

“Sabi ko sa mga players ko dahan-dahan lang para yung pace natin komportable.”

Naipuwersa ng Falcons ang do-or-die nang magwagi nitong Linggo, 23-25, 25-17, 25-21, 25-22 , laban sa may twice-to-beat na bentaheng Bulldogs.

Gaganapin ang Game 1 ng best-of-three title duel sa Sabado sa Araneta Coliseum.