Blake Griffin, Maurice Harkless

Cavs, Heat at Clippers, abante sa 2-0.

CLEVELAND (AP) — Sinagot ni LeBron at ng Cavaliers ang isyung ibinabato ng Detroit Pistons sa matikas na NBA playoff record-tying 20 three-pointer tungo sa 107-90 panalo at makopo ang 2-0 bentahe sa kanilang Eastern Conference first round playoff nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Hataw si James sa 27 puntos, habang kumana si J.R. Smith ng pitong puntos sa 20 three-pointer para panatilihin ang home-court advantage sa kabuuan ng serye.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Sa Game 1 post game interview, kinuwestyon ni Detroit coach Stun van Gundy ang aniya’y pagiging “untouchable” ni James sa mga referee. Hindi naman ito sinagot ni James at hinayaan ang opensa ng Cavs ang magdikta sa sitwasyon.

Host ang Detroit sa Game 3 sa Biyernes (Sabado sa Manila).

Nag-ambag si Kyrie Irving ng 22 puntos sa Cleveland, kumana ng 20 of 38 sa 3-pointer para pantayan ang postseason record na magkasosyong nagawa ng Golden State (2015), Dallas (2011) at Seattle (1996).

Nanguna si Andre Drummond sa Pistons sa 20 puntos, habang tumipa si Reggie Jackson ng 14 na puntos. Ito ang ika-10 sunod na kabiguan ng Detroit sa Cavaliers sa playoff.

CLIPPERS 101, BLAZERS 81

Sa Los Angeles, ratsada si Chris Paul sa natipang 25 puntos, habang kumubra si J.J. Redick ng 17 puntos sa panalo ng Clippers kontra Portland Trail Blazers para sa 2-0 bentahe sa kanilang first-round playoff series.

Humugot sina Damian Lillard at Mason Plumlee sa Blazers na may tig-17 puntos, habang nagsalansan si CJ McCollum ng 16 na puntos.

Gaganapin ang Game Three sa Portland sa Sabado (Linggo sa Manila).

Nag-ambag si Blake Griffin ng 12 puntos at siyam na rebound at si DeAndre Jordan na may 18 rebound.

HEAT 115, HORNETS 103

Sa Miami, muling ginapi ng Heat, sa pangunguna ni Dwyane Wade na tumipa ng 28 puntos, ang Charlotte Hornets para sa 2-0 abante sa kanilang Eastern Conference first round playoff.

Hataw si Hassan Whiteside sa 17 puntos, tampok ang perpektong 8 for 8 sa field.

Ratsada rin si Goran Dragic sa nakubrang 18 puntos, habang humugot si Luol Deng ng 16 na puntos at kumana si Josh Richardson ng 15 puntos para sa Miami.

Nanguna si Kemba Walker sa Hornets sa natipang 29 na puntos.