ATLANTA (AP) – Hinatulan ng siyam na taong pagkakakulong ang Russian na lumikha ng computer program na ginamit para simutin ang mga bank account sa maraming bansa.

Si Aleksandr Andreevich Panin, kilala sa mga online alias nito na “Gribodemon” at “Harderman,” ay hinatulan noong Miyerkules sa federal court sa Atlanta. Inakusahan siya na lumikha ng malware program na SpyEye at ibinenta ito sa mga cybercrime forum sa online.

Ayon sa prosecutors, ang SpyEye ang pre-eminent malware mula 2010 hanggang 2012, ay ginamit para sirain ang mahigit 50 milyong computer at nagdulot ng halos $1 billion pinsala.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'