NEW ORLEANS — Nakasalalay pa rin sa paraan ng pagluluto ang lahat. Maging ang masustansiyang pagkain ay posibleng maging dahilan ng breast cancer, ayon sa isang pag-aaral.

Sa isang pag-aaral, napag-alaman ng researchers na ang mga babaeng kumakain ng flamed-broiled fish ng mahigit isang beses sa isang linggo ay 2.3 beses na mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng breast cancer kumpara sa mga kumakain ng hindi lalampas sa isa sa loob ng isang linggo.

Ang mga pagkaing flame-broiled iniihaw sa apoy ay nagtataglay ng kemikal na kung tawagin ay “heterocyclic amines,” na nabubuo kapag ang protein ay naluluto nang direkta sa apoy. Ang mga compound na ito ay kinokonsiderang carcinogenic — ibig sabihin, maaaring maging sanhi ng cancer—at ang cancer na ito ay naiugnay sa breast cancer.

(LiveScience.com)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente