NAIROBI, Kenya (AP) — Nakaiwas ang Kenya sa posibilidad na sanctioned ng World Anti-Doping Agency matapos maisabatas ng kanilang Parliament ang pagpapataw ng parusang criminal sa doping.

Ipinahayag ni Kenyan Sports minister Hassan Wario na ang anti-doping bill — ilang buwan ding nabinbin sa Parliament – ay naisabatas ng mga lokal lawmakers. Kakailanganin nalamang ang lagda ng Pangulo ng Kenya para maisakatuparan ang naturang batas.

Matagal nang hiniling ng WADA ang pagkakaroon ng pangil sa batas ng Kenya hingil sa doping bunsod na rin ng maraming kaso na kinasangkutan ng mga atleta ng Kenya, kabilang ang mga world at Olympic champion.

Kung tuluyang nabigo, posibleng hindi makalahok sa Rio Olympics ang mga Kenyan athletes.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa Pilipinas, dominante ang Kenyan runner sa halos lahat ng marathon event.

"Today is a great day," pahayag ni Wario. "The anti-doping bill has been passed. Olympics here we come."