Sa gitna ng kontrobersiya sa naging pahayag ng presidential aspirant na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, pinag-aaralan ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang panukalang lumikha ng Code of Conduct for Candidates bilang repormang panghalalan.

“As Chair of the Gender and Development Committee of the Comelec, I will propose a Code of Conduct for Candidates, and will reform the election rules to emphasize gender sensitivity and gender equality,” saad sa pahayag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa Twitter.

Sa kanyang post, sinabi ni Guanzon na “disgusting” na gawing katatawanan ni Duterte ang isang babaeng nabiktima ng panggagahasa at pagpatay.

“Rodrigo Duterte, a presidential candidate, makes a disgusting ‘joke’ about it, talking about rape and murder victim Jacqueline Hamill, an Australian missionary, who was taken hostage in a Davao City prison, as if she was not a human being,” ani Guanzon.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Gayunman, nilinaw ni Guanzon na ang pagkakaroon ng mga ganitong nakasasakit na pahayag ay hindi maaaring gawing ground sa pagdiskuwalipika sa isang kandidato.

“Foul, vile language is not a ground for cancelling anyone’s COC (Certificate of Candidacy). Let the voters decide what kind of a person they want to be President, a tough job that requires competence, honesty and mental fitness,” sabi ni Guanzon.

Inulan ng batikos ang alkalde sa nakalipas na mga araw dahil sa pagbibiro niya tungkol sa panghahalay at pagpatay sa isang babaeng Australian missionary sa madugong hostage-taking sa piitan ng Davao City noong 1989.

Mismong si United States Ambassador to Manila Philip Goldberg ay nagkomento sa usapin, at tinuligsa naman siya ng pinakarespetadong political analyst sa bansa dahil sa pakikialam umano sa usaping pulitikal sa Pilipinas.

“It's not appropriate to make those remarks as they may be misinterpreted as for and against a candidate,” sabi ni Professor Clarita Carlos, presidente ng Center for Asia Pacific Studies, Inc. at isang full-time professor sa University of the Philippines-Diliman.

Matatandaang sinabi ng Amerikanong diplomat sa isang panayam sa telebisyon na hindi binabalewala ng Amerika ang mga indibiduwal na naglalabas ng pahayag na “either degrade women or trivialize issues soserious as rape or murder.”

Na-quote rin sa mga media interview si Goldberg sa pagpabor sa mga kandidatong ipagpapatuloy ang alyansa ng Maynila at Washington dahil “continuity is better than change.” (Leslie Ann Aquino at Roy Mabasa)