BALER, Aurora – Titindi ang mararanasang init sa ilang bahagi ng Aurora dahil 11 oras na mawawalan ng kuryente sa lalawigan ngayong Huwebes.

Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Central Luzon Communications & Public Affairs Office Chief Ernest Lorenz Vidal, maaapektuhan ang mga kostumer ng Aurora Electric Cooperative (AURELCO) sa brownout na magsisimula ng 7:00 ng umaga at tatagal hanggang 6:00 ng gabi.

Apektado ng power interruption ang mga bayan ng San Luis, Maria Aurora, Baler at Dipaculao. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?