WASHINGTON (AP) – Ihihilera si Harriet Tubman, ang African-American abolitionist na isinilang na alipin, kina George Washington, Abraham Lincoln at Benjamin Franklin bilang iconic faces ng U.S. currency.
Muling ididisenyo ang $20 bill upang ilagay ang mukha ni Tubman sa harapan, inihayag ni Treasury Secretary Jacob Lew noong Miyerkules. Siya ang unang t African-American sa perang papel ng United States. Papalitan ng lider ng Underground Railroad ang imahe ni Andrew Jackson, ang ikapitong pangulo ng bansa, na ililipat sa likuran ng perang papel.