Alarming, serious, and scary.
Ganito inilarawan ni Dr. Cecilia Acuin, Chief Science Research Specialist ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), ang tumitinding malnutrisyon sa Pilipinas.
Batay sa 2015 Updating of the Nutritional Status of Filipino Children ng FNRI, lumobo na sa 26.2 porsiyentong ang mga nasa edad 0 hanggang 2 na kulang sa timbang at hindi sapat ang nutrisyon sa nakalipas na 10 taon.
Dahil dito, nanawagan ang FNRI at ang Save the Children, organisasyong kumakalinga sa kalusugan ng mga bata, sa mga kandidato sa eleksiyon sa Mayo 9, partikular na sa pagkapangulo, na tuldukan ang malnutrisyon sa Pilipinas sino man sa kanila ang maluklok sa puwesto.
“Frustrated talaga ako na wala ako naririnig about health and nutrition. I don’t hear enough of it from our candidates, especially not the presidentiables. It’s very sad and they are going to pay for it,” ani Acuin.
Ayon pa kay Acuin, hindi lang ito tungkol sa pera (tinukoy ang conditional cash transfers), sa halip ay kailangan din ng agarang aksiyon dahil karapatan, aniya, ng bawat indibiduwal na mamuhay nang malusog at payapa.
“My concern about the conditional cash transfers is there’s not enough focus on nutrition. Health and nutrition are part of the conditions for the conditional cash transfers. Except for weighing the child, there are no concrete actions. What I want to hear from our candidates is that there is going to be some interventions linked to giving the cash. So, hindi lang cash, may action din,” aniya. (ELLAINE DOROTHY S. CAL)