LOS ANGELES (AP) – Tinanghal na ‘NBA Sixth Man of the Year’ si Los Angeles Clippers guard Jamal Crawford sa ikalawang sunod na season, ayon sa pahayag ng NBA sa kanilang social media account nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Nakamit ni Crawford ang parangal noong 2014 at 2010 bilang miyembro ng Atlanta Hawks.

Samantala, ipinahayag ng Dallas Mavericks na hindi makalalaro si star forward Dirk Nowitzki sa pagpapatuloy ng playoff.

Ayon kay coach Rick Carlisle, nagtamo ng pinsala sa kanang tuhod ang 7-foot forward matapos ang masamang bagsak sa rebound sa Game 2 ng playoff laban sa Oklahoma Thunder kung saan nakalusot ang Mavs sa 85-84 para maitabla ang serye sa 1-1.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Bunsod nito, nakasama si Nowitzki sa listahan ng Mavs injured player tulad nina guard Deron Williams at J.J. Barea at backup forward David Lee.