MAGDADALAWANG linggo na ang nakalipas nang gunitain natin ang tinatawag na “Araw ng Kagitingan” sa Mt. Samat na noon ay tinatawag na “Dambana ng Kagitingan”. Naroon pa rin ang dambuhalang Krus na nakatayo sa tuktok ng naturang bundok at nagsipagdalo ang ilang magigiting na beterano ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig.

Dati ay masaya at makahulugan ang pagdiriwang ng araw na iyon. Dagsa ang mga taong nagtutungo sa makasaysayang bundok para masaksihan ang paggunita sa naturang dakilang araw. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unting nawalan ng kulay at parang naglaho ang tunay na kahulugan nito. Nakalulungkot.

Naging panauhin si Pangulong Noynoy Aquino sa naturang okasyon. Siya talaga ang hinihintay ng matatanda at huklubang beterano na mga nagtiyagang makaakyat sa mataas na bundok na iyon para pakinggan ang kanyang sasabihin. Umaasa kasi ang mga ito na sa pagkakataong iyon ay may mababanggit ang Pangulo na dagdag sa kakarampot na biyayang kanilang tinatanggap. Ngunit bokya! Walang binanggit ni ipinangako ang “mapagmahal” na Pangulo.

Sa kasalukuyan, aabot na lamang sa 9,5000 ang mga beteranong buhay. At ang bilang na ito ay patuloy na nababawasan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Unti-unti na silang natitigok. Ngunit karamihan sa kanila, sa kabila ng panganib na sinuong noon na maipagtanggol lamang ang Inang-Bayan, ay nanatiling nagdarahop. Ang pensiyong tinatanggap nila ay nananatiling kapos sa pagbili ng kanilang gamot. Samantalang ang ginagawa nilang pagtitiis para lamang tayo’y maipagtanggol ay walang katulad.

Patuloy ang pagnanais ng gobyernong ito na mabigyan ang mga kasalukuyang kawal ng dagdag na biyaya. Pero ang mga beteranong nakagawa na ng kanilang tungkulin ay tuluyan nang nalimutan.

Maging ang mga tinatawag na “comfort women” ay nalimutan na rin. Sila na naging parausan at pinagsamantalahan ay patuloy ding naghihintay sa kawalan. Tiniis nila ang kahihiyan, ang pagtanggap sa kapariwaraang hindi nila gusto at ang pagkawala ng kanilang dignidad ngunit, binalewala.

Naging parausan sila ng mga sundalong Hapon pero kahit na tig-iisang supot ng “Hopiang Hapon” ay hindi sila naabutan at nabigyan.

Ganyan ba talaga ang buhay? Paano na lang din ang susunod na henerasyon? (Rod Salandanan)