Umiskor ng kanyang ikalimang sunod na panalo sa Japan si Pinoy boxer Mark John Yap nang talunin sa 10-round unanimous decision si three-time world title challenger Hiroyuki Hitasaka kamakalawa, sa Sumiyoshi Ward Center sa Osaka.

Ito ang ikalawang sagupaan nina Yap at Hitasaka at tulad ng kanilang unang laban noong nakaraang Disyembre 27 sa Abeno Ward Center sa Osaka City, dinomina ng Pilipino na kilala sa bansag na “Probinsiyanong Intsik” ang Hapones kaya muling nanalo sa puntos.

Sa limang sunod na panalo sa Japan, kabilang sa mga nabiktima ni Yap si dating WBA minimumweight champion Juan Jose Landaeta ng Venezuela na tinalo niya sa puntos noong Hunyo 7, 2015, sa Bunka Center, Sanda, Hyogo, Japan.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Nakapagtatakang hindi pumasok si Yap sa world ranking sa pagwawagi kay Landaeta na nakatakdang hamunin si WBA light flyweight champion Ryoichi Taguchi sa Abril 27, sa Tokyo. (Gilbert Espeña)