Pinabagsak ng Philippine Christian University-Lilac Experience ang Our Lady of Lourdes Technological College-Takeshi, 101-96, kamakailan sa elimination ng 2016 MBL Open basketball championship sa Rizal Coliseum.

Nagpakitang-gilas si Jon Von Tambeling sa naiskor na season-high 39 puntos para sa PCU.

Ang 39-point explosion ni Tambeling ay bumura sa dating pinakamataas na score na 34 na puntos na itinala ni Mel Mabigat ng Macway Travel Club at pinantayan nina Ivan Villanueva ng OLLTC at Federico Alupani ng AMA-Wang’s Ballclub.

Bunsod ng panalo, tumabla ang Dolphins sa Macway Travel Club sa parehong 5-1 karta sa eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear, PRC Couriers at Gerry’s Grill.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kailangan na lamang ng PCU at Macway na manalo sa huli nilang laro upang nasungkit ang dalawang tiyak na semis berth kasama ang twice-to-beat na bentahe.

“Laban lang kami lagi. Gusto namin makuha ang No. 1 or No. 2,” pahayag ni PCU coach Ato Tolentino.

Nakatulong din para sa PCU sina Yvez Sazon na may 20 puntos, Fidel Castro na may 16 at Mike Ayonayon na kumana ng 13 puntos.

Nanguna sa Lourdes si Danilo Marilao sa nakubrang 22 puntos.

Ang Blue Warriors ni coach Monel Kallos ay nahaharap sa isang knockout game laban sa Titans para sa huling ticket sa next round.

Sa second game, nanalo ng default ang New San Jose Builders, Inc. laban sa Microtel upang tumapos na may 4-3 record.

Iskor:

PCU-LEX (101) -- Tambeling 39, Sazon 20, Castro 16, Ayonayon 13, Dangca 7, Palattao 2, Bautista 2, Yasa 2, Catipay 0, Mescallado 0, Leron 0, Abrigo 0.

OLLTC- Takeshi (96) -- Marilao 22, Balucanag 19, Villanueva 13, Garcia 11, Brutas 10, Sequilasao 9, Poliacn 8, Ordonez 3, Torrado 1, Villar 0.

Quartescores

27-24, 45-49, 77-69, 101-96.