Laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Star vs San Miguel Beer

Maitala ang pinakamalaking upset ng season ang tatangkain ng Star sa muli nilang pagtatapat ng top seed San Miguel Beer sa kanilang winner-take-all match para sa huling semifinal berth ng 2016 PBA Commissioner’s Cup.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Bumalikwas ang Hotshots mula sa double digit na pagkakaiwan sa first half at ginapi ang reigning Philippine Cup champion at heavy favorite Beermen, 108-99, nitong Lunes sa Smart Araneta Coliseum.

Naiwan ang Hotshots ng 13-puntos sa second period, ngunit unti-unti silang nakahabol at nakipagdikdikan sa Beermen sa final quarter hanggang sa makatabla sa 89-all, mahigit apat na minuto ang nalalabi sa laban.

Dito nagsalansan ang Hotshots ng 14-2 blast na tinapos ni import Ricardo Ratliff ang apat na sunod na puntos para tuluyang makontrol ang laro.

Muli, sasandigan ni coach Jason Webb si Ratliffe na nagtapos na topscorer para sa koponan noong Lunes sa itinala nitong 33 puntos bukod pa sa 29 na rebounds upang pangunahan ang koponan katulong sina Allein Maliksi at PJ Simon para sa hangad nilang pagpasok ng semifinals kahit wala ang star player na si James Yap na out na sa kabuuan ng season dahil sa injury. (Marivic Awitan)