Maglalagay ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng one-stop-shop sa mga lugar na pagdarausan ng Job and Career Fairs sa Labor Day sa buong bansa para sa dokumentasyon at iba pang pangangailangan ng mga mag-aapply ng trabaho.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang employment facilitation services ay kinabibilangan ng pagbibigay ng clearance at birth at marriage certificates; pagpapatala sa social security at medical insurance; enrolment sa shelter security membership; pagbibigay at pagre-renew ng professional licenses; enrolment sa BIR para sa income tax; at aplikasyon para government IDs.

Ang one-stop shops ay patatakbuhin ng National Bureau of Investigation, National Statistics Office, Social Security System, PhilHealth, Pag-IBIG, Professional Regulation Commission, Bureau of Internal Revenue, at Philippine Postal Corporation. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'