NEW YORK (AP) – Sa dalawang magkakasunod na season, tinanghal na NBA Defensive Player of the Year si San Antonio Spurs forward Kawhi Leonard.
Naungusan ni Leonard sa parangal si “triple double machine” Draymond Green ng Golden State Warriors. Bunsod nito, si Leonard ang kauna-unahang non-center player na nagwagi ng parangal mula nang pagbidahan ni Dennis Rodman noong 1989-90 at 1990-91 season.
Nakakuha ang 6-foot-7 na si Leonard ng 84 first-place vote at 547 puntos mula sa panel na binubuo ng 130 sports writer at broadcaster na nagkokober ng NBA mula sa U.S. at Canada.
Tumanggap si Green 44 first-place vote na may katumbas na 421 puntos.
Pumangatlo si Miami center Hassan Whiteside na may 83 puntos at dalawang first-place vote.
Naitala ng Spurs ang franchise-record 67-15 karta ngayong season.