J.A. copy

LOS ANGELES (AP) — Inihayag ng Universal Pictures na si J.A. Bayona ang magdidirehe ng sequel ng Jurassic World.

Si Bayona ang papalit kay Colin Trevorrow, na nag-relaunch ng Jurassic franchise noong 2015. Ang Jurassic World ay kumita ng $1.7 billion sa buong mundo.

Makikipagtulungan pa rin si Trevorrow sa pagsusulat ng sequel, ngunit hindi na siya kasama sa pagdidirehe dahil magiging abala na siya sa isang galaxy far, far away shooting ng Star Wars: Episode IX na nakatakdang ipalabas sa 2019.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Muling magbabalik sina Chris Pratt at Bryce Dallas Howard sa sequel, na nakatakdang ipalabas sa Hunyo 2018.

Matatandaang idinirehe ni Bayona, lumaki sa Spain, ang The Impossible na naging nominado sa Oscars. Ang naturang pelikula ay tungkol sa Indian Ocean Tsunami noong 2004.