CITY OF ILAGAN, Isabela - Magsasagawa ng preventive and corrective maintenance sa supply ng kuryente sa ilang bahagi ng Isabela, at siyam na bayan ang mawawalan ng kuryente bukas, sa loob ng 14 na oras.

Sa nakalap na impormasyon mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang brownout ay magsisimula ng 6:00 ng umaga at tatagal hanggang 8:00 ng gabi.

Maaapektuhan ang distribution utility ng ISELCO I-Reina Mercedes at ISELCO II-Naguilian at ang Ilagan sub-stations na nakasasakop sa mga bayan ng Gamu, Ilagan, Burgos, Naguilian, Benito Soliven, San Mariano, Reina Mercedes, at ilang bahagi ng Cauayan City. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito