Nanawagan si Senator Cynthia Villar sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na palakasin ang information drive nito upang maiparating sa mahihirap na kasapi ang mga libreng serbisyong medikal na maaaring ma-avail ng mga ito.

Ang pahayag ay ginawa ni Villar sa Information and Education Awareness Campaign on PhilHealth Programs and Benefit Availment sa Villar SIPAG sa Pulang Lupa 1, Las Piñas City.

Aniya, kahit pinangangalagaan ng PhilHealth ang kalusugan sa pagkakaloob ng tulong medikal, marami pa ring Pilipino, partikular ang mahihirap, ang hindi nakakaalam sa mga benepisyong alok sa kanila ng ahensiya.

“We must also ensure they are aware of their benefits and entitlement from PhilHealth. We must ensure also that country’s universal health care system can reach all intended beneficiaries,” ani Villar.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Naniniwala ang senadora na dapat paigtingin ang information drive tungkol sa PhilHealth at bigyan ng updates ang mga kasapi tungkol sa mga serbisyo nito, gaya ng karagdagang health packages. (Leonel Abasola)