Abril 20, 1991 nang sa unang pagkakataon ay maitala ng American diver na si Mark Lenzi ang mahigit 100 puntos sa single dive. Sa United State (US) Indoor Championships, sa pamamagitan ng reverse three-and-one-half tuck ay nakakuha si Lenzi ng 101.85 puntos.

Sinimulan ni Lenzi ang diving sa edad na 16, matapos maglaro ng wrestling noong high school. Noong una ay hindi siya sinuportahan ng kanyang mga magulang, kaya pansamantala siyang nanirahan sa kanilang kapitbahay sa loob ng dalawang linggo.

Taong 1989 at 1990 nang napili si Lenzi ng National Collegiate Athletic Association bilang diver of the year.

Sa 1996 Atlanta Olympics, nagwagi siya ng bronze medal. Ngunit kalaunan ay nakaranas siya ng depresyon. Namatay siya noong Abril 2012 sa edad na 43 dahil sa serye ng pagkahimatay dahil sa mababang blood pressure.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?