Suportado ng Federation of Philippine Industries (FPI) ang kandidatura ni dating Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima sa pagkasenador.

Ayon kay FPI Chairman Dr. Jesus Lim Arranza, bihirang mag-endorso ng kandidato ang kanilang grupo pero ginawa nila ito dahil batid nila ang kakayahan ng dating kalihim na palakasin ang sistema ng hustisya na malaking tulong sa paglaban sa kriminalidad.

Aniya, dahil sa kakayahan ni De Lima ay ginawaran ito ng FPI-Bayanbay Award bunsod ng tapat at patas nitong pagpapatupad ng batas.

Kabilang sa mga ginawaran ng FPI-Bayabay Award sina Chief Justice Maria Lourdes P. Sereno, Ombudsman Conchita Carpio Morales, Ramon Ang, Lucio Tan, at ibang personalidad mula sa sektor ng media.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“De Lima has proven her exemplary character in performing her sworn duty as a legal paladin and has shown honesty and integrity in a manner beyond reproach, unnerved by outside influence and pressure from powerful blocks while she was in office, “ ani Arranza.

“De Lima exhibits her anti-smuggling and Fight Illicit Trade advocacies, the Federation is sharing its humble experience to make it known and appeal to our countrymen that she is indeed a rare gem who deserves to be in the Senate, “ dagdag pa nito. (Leonel Abasola)