NITONG nakaraang linggo, ayon sa survey ng Pulse Asia, ay nanguna na si Mayor Rodrigo Duterte sa labanan sa panguluhan. Naungusan na niya ang dating nangungunang si Sen. Grace Poe.

“Bakit kaya?” Ito ang tanong ng mga botanteng sumusubaybay sa takbo ng pulitika sa bansa.

Si Duterte ang pinakahuling “umakyat sa ring” kumbaga sa boxing. Nagsa-shadow boxing na ang kanyang mga kalaban ay nakatunganga pa siya. Hanggang sa magpasiya na rin siyang magsuot ng gloves.

Maraming dahilang masasabi kung bakit nangunguna si Duterte sa huling survey. Ngunit ito ang pinakamatinding dahilan: ang PANGAKO niyang susugpuin ang KRIMINALIDAD at lipulin ang mga kriminal at tuluyang durugin ang mga taong may kaugnayan sa DROGA. Sawa na ang mga tao sa kaguluhan. Sawa na ang mga Pinoy sa kaliwa’t kanang patayan, nakawan, panggagahasa at kung anu-ano pang suliranin. Ayaw na nilang mamuhay nang laging kinakabahan sa bawat araw. Gusto na nila na maging payapa ang bansa.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hindi mo naman masisisi ang mga mamamayan. Kung walang katahimikan, ay walang kaunlaran.

Dagdag pa sa mga pangako ni Duterte, hindi na rin niya palalampasin ang mga corrupt na opisyal sa kanyang administrasyon sakaling siya nga ang mahalal na pangulo ng bansa. Para silang nakasumpong ng bagong Mesiyas na hahango sa kanila sa kahirapan, pang-aabuso at pang-aapi mula sa mga taong mas nakatataas sa kanila.

Laging ipinagsisigawan ng mga naunang administrasyon at ng kasalukuyan na “Kung walang corrupt, walang mahirap”.

Tama! Pero, bakit sangkatutak pa rin hanggang ngayon ang mahihirap? Nangangahulugan na sangkatutak din ang corrupt.

Sa “Daang Matuwid” ni Pangulong Noynoy Aquino ay walang MATUWID na naganap. Lahat ay kabaligtaran. Kaya’t nagbabakasakali ang mga botante na maaring si Duterte na ang sagot: katahimikan, disiplinadong mamamayan, at malinis na gobyerno na siyang magiging daan tungo sa kaunlaran. (ROD SALANDANAN)