CEBU CITY – Kakapusin sa supply ng tubig ang 44 na lugar sa Metro Cebu sa loob ng 15 oras kada araw kasunod ng pagkatuyot ng dalawang pinagkukuhanan ng tubig ng Metro Cebu Water District (MCWD) dahil sa matinding tagtuyot.

Ayon kay MCWD Public Affairs Manager Charmaine Rodriguez-Kara, magiging mahina ang pressure o tuluyang mawawala ang supply ng tubig mula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi araw-araw hanggang sa maging sapat ang imbak sa mga pasilidad kapag nagsimula nang mag-uulan.

Kinapos ang supply ng tubig makaraang bumaba sa 196,000 cubic meters kada araw ang dating 214,000 cubic meters na arawang produksiyon ng MCWD.

Isa ang Jaclupan sa mga pinagkukuhanan ng tubig ng MCWD, lumilikha ng 33,000 cubic meters kada araw, na hindi na naaabot sa ngayon. Ang isa pa ay ang Buhisan Dam sa Cebu City, na dating nakapagpo-produce ng 7,000 cubic meters bawat araw.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“We are producing or distributing the actual production so the danger is when the rainy season arrives late, we would use up this water,” paliwanag ni Kara.

Ang 44 na lugar na kakapusin ang supply ng tubig ay ang mga barangay sa Cebu City, Mandaue City, Talisay City, Consolacion, at Liloan. (Mars W. Mosqueda, Jr.)