DHAKA (Reuters) – Tinukoy ng Bangladeshi investigators ang 20 banyaga – 12 Pilipino at walong Sri Lankan – na pinaghihinalaang sangkot sa cyber heist ng milyun-milyong dolyar mula sa central bank nito, sinabi ng pulisya noong Lunes.

Hindi nagbigay ng detalye ang mga opisyal, ngunit lumalabas na ang mga suspek ay ang mga tumanggap ng ilan sa mga payment, at hindi ang mga hacker.

Pinasok ng mga hacker ang systems ng Bangladesh Bank noong Pebrero 4 at 5 at tinangkang nakawin ang halos $1 billion mula sa account nito sa Federal Reserve Bank of New York.

Naharang ang karamihan sa mga payment ngunit ang $81 million ay nailipat sa mga account sa Pilipinas at ipinasok sa mga casino roon. Ang karagdagang $20 million ay ipinadala sa isang kumpanya sa Sri Lanka ngunit nabawi ang transfer dahil nagkamali ang mga hacker sa spelling ng pangalan ng kumpanya, dahilan para maalerto ang routing bank.

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

Sinabi ni Mohammad Shah Alam, senior officer sa criminal investigation department ng Bangladesh police, na tumulong ang Interpol sa pagtukoy sa mga banyagang suspek na sangkot sa isa sa pinakamalaking cyber heists sa kasaysayan.

“We have identified at least 20 foreigners with name and full particulars who we believe were involved,” wika ni Alam sa mga mamamahayag.

Isa pang opisyal sa kanyang team ang nagsabing isinumite na nila ang mga resulta ng imbestigasyon sa mga awtoridad ng Pilipinas at Sri Lanka.