Inaanyayahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang publiko na lumahok sa libreng Laro’t Saya sa Parke Program Zumba Marathon 2016 sa loob ng apat na Linggo simula sa Abril 24.

Pangungunahan ng LSP San Juan Zumbathon ang okasyon ganap na 5:00 ng umaga sa Pinaglabanan Park sa San Juan City.

Kasunod nito ang LSP Imus Zumbathon sa Abril 30 sa Imus City Plaza sa Cavite; LSP Luneta Zumbathon sa Mayo 8 at LSP Quezon City Memorial Circle Zumbathon sa Mayo 14.

Inihayag kahapon ni PSC executive director at LSP project manager Atty. Guillermo Iroy, Jr. na walang registration fee ang pagsali, pero may nakalaang cash prizes para sa top three male and female winner sa dalawang age groups na 18-40 at 41-55. May nakahanda ring t-shirt, cap at towel.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Samantala, may 646 ang naki-LSP sa QCMC noong Sabado na 528 ang nag-zumba kabilang ang 17 senior citizen, 66 ang nag-chess, 26 ang nag badminton, 22 ang nag-football, at apat ang nag-volleyball. (Angie Oredo)