Sumugod kahapon sa Meralco-Kamuning branch sa Quezon City ang mga militante upang ipaabot ang kanilang pagkondena sa pagtaas ng singil sa kuryente at problema sa supply nito.

Bitbit ang mga placard, isang malaking larawan ng bombilya at effigy ni Pangulong Aquino na tinagurian nilang kuryente king, binatikos ng grupong Bayan Muna ang anila’y pagpapabaya ng pamahalaan kaya nagnipis ang supply ng kuryente. Binigyang diin nila na ang mga nagkaaberyang power plant, ang Malaya at Kalayaan, ay pag-aari at pinatatakbo ng gobyerno.

Binira din nila ang Interruptible Load Program at ang umano’y mataas na tubo ng Meralco dito. (Jun Fabon)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'