Nakapagtala ang Pilipinas ng matitinding panalo sa ginaganap na 17th AVC Samila Open sa Thailand upang paigtingin ang tyansa na makatipon ng puntos para sa posibleng pagtuntong sa Rio Olympics.

Ang Philippine men’s beach team nina Jade Becaldo at Hachaliah Gilbuena ay nakapasok sa money round matapos na talunin ang seeded na Oman.

Binubuo ng 49 na koponan mula sa 16 na bansa ang torneo kabilang ang Australia, Kazakhstan, New Zealand, China, at Qatar.

Napasama ang Team Pilipinas sa Pool C bilang seeded 19th kasama ang seeded no. 3 na NZL at Oman na no. 14.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Nabigo ang Pilipinas sa una nitong laro kontra sa 3rd seeded team na NZL sa iskor na 21-16 at 21-17. Nagawa pa ng Pilipinas na mahawakan ang abante subalit bumalikwas ang kalaban upang maagaw ang panalo.

Sinandigan naman ng koponan si Hach Gilbuena mula Tagum City na nasa una nitong paglalaro sa international na torneo kontra sa mas matatangkad na Omanis.

Unang nagwagi sa first set bago nakabawi ang Omanis sa ikalawa.

Ang ikatlong set ay dinomina na ng Pilipinas para sa mga iskor na 21-19, 12-21 at 15-13.

“Masaya ko na irepresenta ang bansa natin sa Asian Tour. Hindi ko na nakakasagupa ang mga matatangkad na kalaban tulad nito pero nakakabawi na ako sa kanila matapos na magulat sa umpisa,” pahayag ni Gilbuena.

“It’s great being able to play again outside the country. We are getting better and soon we hope to have a medal.

Thanks to Chairman Garcia of PSC for this chance,” sabi ni Becaldo, pambato ng Cebu City.

“This is a tough tournament, there are no easy teams in the Men’s Division. The first games were a shock to the new rookie Gilbuena but he is becoming more and more comfortable. The win they had today will boost their ranking in the Asia Circuit and help set them up for a good seeding in the Asian Beach Games in Vietnam,” sabi naman ni delegation head at PSC coach Eric LeCain. (Angie Oredo)