Dismayado ang leader ng isang pro-life group sa mga kandidato na lantarang nagmumura at nagbabanta sa harap ng publiko, dahil masama aniyang impluwensiya ang mga ito sa kabataan.

“Gumagawa ito ng masamang ehemplo sa kabataan. So, kung ako ay isang kabataan at makikita ko ang ating elected leaders na nagmumura at lantarang nagsasabi na handa siyang pumatay, magkakaroon ng batayan na gawin ko rin ito.

Kung rason ito para mahalal ang isang kandidato, napakasama nitong ehemplo sa mga susunod na lider ng ating henerasyon,” sabi ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza.

Ito ang reaksiyon ni Atienza kaugnay ng “viral video” ni San Juan Representative Ronaldo Zamora na naringgan itong nagmura at nagbanta sa mga taong dumalo sa kanyang “caucus” sa Barangay Pasadenia sa naturang lungsod.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Unang kinakastigo ang presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagmumura nito, kabilang na ang kontrobersiyal na pagmumura kay Pope Francis.

Sa panig ni Zamora, posibleng ang inasal nito ay dulot ng pagkakita sa mga tagasuporta ng kanyang katunggali sa kanyang caucus.

Sa huling survey ng Pulse Asia, natukoy na lahat ng kandidato ng Ejercito-Estrada, sa pangunguna ni Mayor Guia Gomez, ay lumalamang laban sa mga Zamora. (Bella Gamotea)