Ipinapanukala ng isang mambabatas ang pagtatag ng night high school class sa bawat distrito sa buong bansa upang mapagkalooblan ang kabataan ng higit na access sa basic education.

Sa kanyang HB 6492, sinabi ni Rep. Alfredo D. Vargas III (5th District, Quezon City, na ang pagkakaroon ng mga panggabing klase ay makatutulong upang malutas ang problema sa school dropout o paghinto sa pag-aaral ng mga bata.

“Data from the Department of Education (DepEd) stated that the reasons behind the gradual rising of the dropout rate in the secondary level are economic in nature. High school dropouts mostly occur because of the high cost of education or the students’ dire need for employment to financially support their families,” ani Vargas.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng public elementary at high school ay inaatasang buksan ang pasilidad ng kanilang paaraalan para magamit sa mga klase sa gabi. (Bert de Guzman)