Isang wheelchair attendant sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang namatay sa atake sa puso, dulot ng matinding init ng panahon.
Kinilala ng NAIA medical team identify ang wheelchair attendant na si Elmer Limon, 39, empleyado ng EWMPC, isang kumpanya na inuupahan ng Philippine Airlines para umalalay sa matatandang pasahero na nahihirapang maglakad.
Idineklara siyang dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital, nitong Linggo ng hapon.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Medical-Emergency Division Dr. Lorena Purisima, dinala si Limon sa kanilang klinika dakong 5:17pm nitong Linggo matapos itong himatayin sa terminal 1 transfer desk, arrival area.
Ayon sa ilang katrabaho ni Limon, abala ito sa pag-aasiste sa matatanda at may kapansanang pasahero bago natagpuang nakahiga sa sahig ng medical team.
Sinabi ni Dr. Yolanda Miranda na limang beses nilang binigyan ng shock si Limon, pero hindi ito nagre-response kayat isinugod na ito sa hospital.
Idinagdag niya na maaaring may sakit sa puso ang pasyente at ang mainit na panahon at pagod ang nagbunsod ng cardio respiratory arrest. (ARIEL FERNANDEZ)