MONACO (AP) — Binokya ni Rafael Nadal ang karibal na si Frenchman Gael Monfils sa ikatlong set tungo sa 7-5, 5-7, 6-0 panalo at inangkin ang makasaysayang ikasiyam na Monte Carlo Masters title nitong Linggo (Lunes sa Manila).
“This week I was able to increase my level when things became tough, like I did before,” sambit ni Nadal, tungkol sa pahirapang panalo sa paborito niyang clay court. “That’s something I missed a lot.”
Sa kabuuan, nasayang ni Nadal ang 13 service shot at kung nagkataon ay posibleng magamit laban sa kanya ng mas matikas na karibal.
Nalagpasan din niya ang limang breaks sa service shot para makamit ang ikasiyam na Monte Carlo at kauna-unahang mula nang maitala ang walong sunod na kapeonato na natigil nitong 2012.
Napantayan din niya ang record 28th Masters title.
Napaluhod si Nadal sa kahusayan nang mabigo ang karibal na maibalik ang kanyang huling service break at makopo ang kauna-unahang titulo mula nang manalo sa French Open noong 2014.
“It has been a very important week,” sambit ni Nadal.
“The victory confirms that I am better.”
Ito ang unang kampeonato ni Nadal mula noong 2015.
Natalo siya kay Djokovic sa French Open quarterfinals; gayundin kay Stan Wawrinka sa Rome Masters quarterfinals; pinulbos naman siya ni Andy Murray sa Madrid final 6-3, 6-2; kay Djokovic , 6-3, 6-3 sa Monte Carlo semifinals; at Pabio Fognini sa Rio at Barcelona.