DAVAO CITY – Inamin kahapon ng New People’s Army (NPA) sa Davao na bihag nito ang limang pulis, kabilang ang hepe ng Paquibato District Police.

Sa pahayag sa media rito, sinabi ni Rigoberto Sanchez, tagapagsalita ng NPA sa Davao Region, na dinukot ng mga tauhan ng 1st Pulang Bagani Battalion ang limang pulis na sakay sa isang mobile patrol vehicle at ginawang prisoners-of-war ang mga ito, dakong 11:30 ng umaga nitong Sabado, sa Barangay Salapawan, Paquibato District.

Kinilala ni Sanchez ang mga dinukot na sina Chief Insp. Leonardo V. Tarungoy, hepe ng Paquibato Police; PO3 Rosenie L. Cabuenas, PO3 Rudolph Y. Pacete, PO2 Neil C. Arellano, at PO3 Abdul Azis A. Ali.

Kinumpiska rin ng NPA ang dalawang .9mm pistol at isang .45 caliber pistol ng mga pulis.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“The POWs will be held in custody pending an investigation for possible war crimes and other crimes against the people and the revolutionary movement,” ani Sanchez.

Ayon sa ulat na nakalap ng may akda, reresponde ang grupo ni Tarungoy sa pag-atake at panununog sa isang military detachment sa Sitio Quiman-anon sa Barangay Salapawan.

Sa nasabing pag-atake ng 60 rebelde, ayon pa sa ulat, tinangay ng NPA ang 19 na baril matapos na abandonahin ng mga tauhan ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang kanilang posisyon. (ALEXANDER D. LOPEZ)