LEGAZPI CITY - Inilunsad kamakailan ng Albay at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang proyektong Sustainable Coral Reef Ecosystem Management Program (SCREMP) na mangangalaga sa likas na yaman ng lalawigan laban sa climate change.

Binuo ang Sustainable Coral Reef Ecosystem Management Program (SCREMP) at paunang saklaw nito ang mga bayan ng Oas, Libon, Pioduran at Ligao City, na pawang nasa ikatlong distrito ng lalawigan. Ang SCREMP ay pangangasiwaan ng Provincial Agricultural Services (PAS).

Ayon kay Gov. Joey Salceda, layunin ng programa na palaguin ang “sustainable management of coastal and marine resources, including biodiversity” sa nabanggit na mga baybaying bayan sa pagbibigay ng proteksiyon sa tirahan ng mga likas na hayop at halaman.

Hangad din ng programa na mapalaganap ang mga tamang impormasyon para mapataas ang antas na kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng kalikasan laban sa climate change.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa ilalim ng SCREMP, mayroon ding “livelihood component” para mabawasan ang labis na pangingisda sa Albay, na kamakailan ay idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang isa sa 20 bagong Biosphere Reserves.