Aabot sa 80 katao ang nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV) noong Pebrero bunsod ng tinaguriang “transactional sex”, iniulat ng Department of Health (DoH).

“People who engage in transactional sex are those who report that they pay for sex, regularly accept payment for sex or do both,” ayon sa DoH.

Base sa February 2016 HIV/AIDS Registry of the Philippines (HARP) report, sinabi ng DoH na aabot sa 10 porsiyento ng kabuuang 751 nagpositibo sa HIV noong Pebrero ang iniuugnay sa transactional sex.

Mula sa 76 na katao, 33 ay napag-alamang nagbayad para sa panandaliang aliw at ito ay binubuo ng 32 lalaki at isang babae; habang 23 iba pa ang positibo rin sa HIV matapos mabayaran upang makipag-sex, at ito ay kinabibilangan ng 22 lalaki at isang babae.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ang natitirang 20 indibiduwal ay kapwa nasangkot sa dalawang kategorya ng transactional sex at ito ay binubuo ng 17 lalaki at tatlong babae.

Samantala, iniulat din ng DoH na aabot sa 25 donasyong dugo ang nagpositibo sa HIV bagamat wala itong detalye sa estado ng mga donated blood unit nitong Pebrero. (CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE)