JoWaPao Maine Alden copy

GINANAP ang 47th Box Office Entertainment Awards Night ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) nitong nakaraang Linggo sa Grand Ballroom ng Novotel Manila sa Araneta Center hosted by Martin Nievera – na siya ring nag-open ng show singing This Is The Moment, hosted nina Maja Salvador at Robi Domingo and produced by Airtime Marketing ni Tessie Celestino-Howard.

Unang love team na dumating sa venue sina Alden Richards at Maine Mendoza pero medyo late pa rin dahil nag-advance taping pa si Alden ng Sunday Pinasaya bago niya sinundo si Maine. Binigyan ng security ang dalawa at may sariling elevator na naghintay sa kanila para diretso na sila sa seats nila, pero pinagkaguluhan pa rin sila ng fans sa labas ng ballroom.

Nakakatuwa si Maja, nang makaupo na sina Alden at Maine, sabi niya: “Hi, Maine, nice to meet you, pa-picture.” At sinundan niya ng pagkanta ng “kinikilig ako” na kinakanta-kanta ni Divina kay Alden sa kanilang kalyeserye sa Eat Bulaga.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kasunod nilang dumating sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros (JoWaPao) kaya panay ang sigaw ng fans na bumalik na raw sa Eat Bulaga si Paolo. Nang mapiling Best Dressed Celebrity si Paolo, sumigaw siya ng “Regine!”

na lagi niyang sinasabi sa kalyeserye bilang si Lola Tidora.

Sa sunud-sunod na pagbibigay ng awards, tinanggap nina Alden, Maine at JoWaPao ang Highest Rating of A Noontime Show of All Time, Local and Global, para sa “Tamang Panahon” special ng Eat Bulaga na nakakuha ng 55% rating at highest tweets na 41 million.

Sila na rin ang tumanggap ng Most Popular TV Program Musical Variety (Eat Bulaga) na nasa 37th year na ngayon.

Tinanggap din nina Alden at Maine ang award as Highest Opening Day Gross of All time, na umabot sa P60.4 million ng My Bebe Love #Kilig Pa More, sa katatapos na Metro Manila Film Festival.

Si Coco Martin ang tumanggap ng Highest Record Rating of a Teleserye of All Time, for FPJ’s Ang Probinsyano.

No show naman ang Enrique Gil–Liza Soberano love team para tanggapin ang Most Popular TV Program Primetime Drama (Forevermore). Sila rin ang kinilalang Most Popular Loveteam of Movies & TV.

Tinanggap nina Barbie Forteza at Thea Tolentino with Andre Paras ang Most Popular TV Program Afternoon Prime Drama (The Half Sisters).

Sina Andre Paras at Barbie Forteza ang Most Promising Love Team of Movies & TV. Masayang-masaya naman si Ken Chan nang tanggapin ang Most Promising Male Star sa pagganap niya sa Destiny Rose.

Nagpasalamat si Maine nang siya ang napiling Most Promising Female Star. Hindi raw niya alam na sa pagda-dubsmash niya ay magiging promising actress siya sa My Bebe Love #Kilig Pa More.

Sina Jose, Wally at Paolo naman ang tinanghal na Bert Marcelo Lifetime Achievement (Comedy) awardees. 

Tinanggap ni Enchong Dee ang kanyang New Male Recording Artist of the Year at si Kim Chiu naman ang New Female Recording Artist of the Year. Wala si Kim na kasalukuyang nasa New York kaya nagpadala lamang siya ng video message.

Si Martin lamang ang tumanggap ng awards nila ni Gary Valenciano as the Male Concert Performer of the Year dahil nasa Japan si Gary. No show rin sina Lani Misalucha at Regine Velasquez-Alcasid na kinilala bilang Female Concert Performer of the Year.

Sina Jed Madela at Sarah Geronimo ang napiling Male & Female Recording Artist of The Year, respectively. Ngayon lang yata hindi nag-attend si Sarah ng GMMSF.

Breakthrough Recording Artist of the Year si Alden Richards na tumanggap na ng Quintuple Platinum record sa kanyang album na Wish I May. Nakakatuwa talaga si Maja, dahil pagkatapos tanggapin ni Alden ang award, nag-request siya ng five kisses kay Maine para kay Alden, each kiss daw for one platinum record. 

Halatang nagulat si Alden sa request ni Maja at umakma siyang hahalikan si Maine, pero hindi raw ganoon, gusto niya five kisses. Tinapik-tapik ni Maine sa likod si Alden, parang okey naman sa kanya at hinalikan niya si Alden, umulit na naman si Maja na five kisses ang hinihintay ng audience, kaya binilangan sila ni Maja, iyong first kiss ni Maine sa cheek ni Alden, si Alden naman ang nag-kiss kay Maine, then si Maine, si Alden ang pang-apat at ang panglima, kiss ulit ni Maine kay Alden.

Umakyat na uli sa stage sina Alden at Maine para sa kanilang Breakthrough Male and Female Star of Movies & TV. 

First recipient ng naturang award ang AlDub na within seven months ay naging product endorsers na ng mahigit 25 products.

Si James Reid lang ang nakadalo ng awards night, wala ang ka-love team niyang si Nadine Lustre, para sa award nilang Prince & Princess of Philippine TV.

Magkasamang dumalo sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa award nilang Prince & Princess of Philippine Movies. 

Nagkagulo na naman nang tumayo sina Maine at Alden, na akala ng fans ay aalis na, pero nag-rest room lang pala si Maine at pagbalik nila ay kinamayan nila ni Alden sina Daniel at Kathryn at James at nag-congratulate sa bawat isa.

Tuluyan nang umalis sina Alden, Maine, Daniel, Kathryn at James dahil hindi na sila kasama sa last gap ng pagbibigay ng awards. Kahit maraming security personnel, nahirapang makababa ang love teams at si James dahil naglabasan na rin halos lahat ng fans sa loob ng ballroom.

Samantala, sina Bea Alonzo at Coco Martin lang ang tumanggap ng Phenomenal Stars of Philippine Cinema. Wala si John Lloyd Cruz para sa A Second Chance nila ni Bea at no show rin si Vice Ganda para naman sa The Beauty and the Bestie nila ni Coco. (NORA CALDERON)