ADDIS ABABA (Reuters) – Umakyat na sa 208 ang bilang ng mga namatay sa paglusob ng mga armadong South Sudanese sa kanluran ng Ethiopia at 108 bata ang dinukot, sinabi ng isang Ethiopian official kahapon.

Naganap ang pag-atake nitong Biyernes sa Gambela region ng bansa sa Horn of Africa, na kasama ng mga katabing lalawigan ay tahanan ng mahigit 284,000 South Sudanese refugee na tumakas sa kaguluhan sa kanilang bansa.

Nitong Linggo ng hapon, tumaas na ang bilang sa “208 dead and 75 people wounded” mula sa 140 noong nakaraang araw, sinabi ni government spokesman Getachew Reda sa Reuters, idinagdag na dinukot ng mga suspek ang 108 bata at tinangay ang 2,000 alagang hayop ng mga residente.

“Ethiopian Defense Forces are taking measures. They are closing in on the attackers,” aniya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina