Iniutos ni World Boxing Council (WBC) president Mauricio Sulaiman ang “immediate review” ng kontrobersiyal na split decision victory ni Australia-based Tanzanian Omari Kimweri kontra kay Pinoy southpaw Randy “Razor” Petalcorin nitong Biyernes, sa Melbourne Pavilion.

Ang kautusan ay tugon ni Sulaiman sa protestang isinumite ng kampo ni Petalcorin kontra sa pangangasiwa ni referee Malcom Bulner na nabigong tawagan ng knockdown ang apat na beses na pagtumba ni Kimweri sa kabuuan ng kanilang 12-round fight.

Kaagad na nagsumite ng protesta sa WBC sina co-manager Jim Claude Manangquil at multi-titled Australian promoter Peter Maniatis hinggil sa insidente na anila’y nagdulot sa marami ng “shock and disgust”.

Dahil sa kapabayaan ni Bulner na tawagan ng knockdown si Kimwere, natalo si Petalcorin via split decision sa kanyang Silver title.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kinastigo rin ng kampo ng Pinoy ang komposisyon ng tatlong hurado na pawang Australian, kabilang ang maybahay ni Bulner na si Samantha.

“This is horrible for boxing. This is killing the sport that we love and also hurts the boxers who work hard,” pahayag ni Mananquil.