Isang sundalo ang napaulat na nawawala matapos sumailalim sa proficiency diving exercise sa isang resort sa Davao Del Norte nitong Sabado.

Hindi muna pinangalanan ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sundalo dahil hindi pa naipababatid sa pamilya nito ang insidente.

Sinabi ni Maj. Ezra Balagtey, tagapagsalita ng EastMinCom, na dakong 8:30 ng umaga nitong Sabado nang mapaulat na nawawala ang sundalo habang isinasagawa ang joint proficiency diving exercise sa Angel’s Cove sa Talikud Island, Samal, Davao Del Norte.

Nakibahagi sa aktibidad ang mga diver mula sa EastMinCom, Naval Forces Eastern Mindanao, at Naval Special Operations Unit.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

“Immediately a team from Philippine Coast Guard, Naval Special Operations Unit and NFEM was dispatched to conduct water search,” ani Balagtey.

Aniya, nagsagawa rin ng aerial search ang isang grupo mula sa Philippine Air Force (PAF) sa dalampasigan ng Talikud at Davao Del Sur. (Elena L. Aben)