ANG Echorsis nina John Lapus at Alex Medina ang nag-iisang Filipino film na palabas sa mga sinehan nitong nakaraang linggo (April 20 showing) at umabot naman nitong weekend.

Pero nag-post sa Facebook ang producer ng kanyang sama ng loob sa ilang theater owners na nagtanggal sa Echorsis sa kanilang mga sinehan, kahit mas marami naman daw itong ticket sales kumpara sa Hollywood movies nitong Sabado.

Ayon sa FB post ni Chris Cahilig, producer ng nasabing horror-comedy flick, “Sabunutan between Pinoy and Hollywood films! Ayan na naman. Ang daming theaters ang nagtanggal sa Echorsis today kahit na mas marami itong ticket sales kumpara sa Hollywood movies kahapon.”

Dagdag niya, “Di ko nakukuha ang logic na kapag ang Pinoy film ang mahina, kahit kapareho lang ito ng benta halos ng lahat ng kalabang banyaga sa takilya, mauuna itong mawawala.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi biro ang pag-book sa mga sinehan ng isang local film, dahil nga ang Hollywood films ang mga “kalaban”, pero naniniwala ang producer sa kanyang pelikulang Echorsis kaya ipinaglaban niya ito at nakalusot naman nga sa April 20 playdate.

Takang-taka lang daw siya dahil may mga “utak-talangka” pa ring theater owners na ayaw sumuporta sa pelikulang sariling atin, kahit na kumikita naman, o halos pareho lang ang ticket sales sa foreign film.

Sa huli, sinabi ni Chris na, “Let’s demand na ipalabas at ibalik ang Echorsis, ang kaisa-isang Pinoy movie ngayon, sa mga sinehan! Wag hayaang manaig ang UTAK TALANGKA! ‪#‎SaveEchorsis ‪#‎WatchNow.”        

Post naman ng director ng pelikula na si Lem Lorca, “Parating ganito na lang. Pinoy na pelikula na may OK na ticket sales at bonggang reviews, tanggal agad!

“Ngayong weekend lang kami tumutodo!” --Mell Navarro