Ni BEN R. ROSARIO
Nangangamba ang Makabayan senatorial candidate na si Rep. Neri Colmenares na may kinalaman ang nakaambang kakulangan sa supply ng kuryente sa halalan sa Mayo 9.
Ito ang iginiit ni Colmenares sa kabila ng pagtiyak ng Department of Energy (DoE) na sapat ang supply ng kuryente sa Araw ng Halalan.
Sinabi ni Colmenares na kataka-taka na ang dalawang power plant na parehong pag-aari at pinangangasiwaan ng gobyerno ay sabay na nagkaaberya.
Ang mga ito ay ang 52Megawatt Kalayaan at 630Megawatt Malaya power plant na sumasailalim sa preventive maintenance.
“We asked the Department of Energy (DoE) when Congress was in session what were their plans to ensure that there would be electricity during summer especially during the elections and they said that they are already working on it, but look at us now; 2 days of yellow alert and a red alert yesterday. Mindanao is experiencing 5 hours of rotating brownouts,” pahayag ni Colmenares, na kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng Partido Galing at Puso.
Kinuwestiyon ni Colmenares ang “timing” ng maintenance repair ng dalawang planta dahil ilang araw na lang ay eleksiyon na sa bansa.
“During the last time, the purpose of the contrived power crisis was the move for profit and the release of government funds. Now it seems that the outcome of the coming elections should be added because the administration bet Mar Roxas is lagging in the presidential race,” ayon kay Colmenares.
Nitong mga nakaraang linggo, nakaranas ng mahahabang oras ng brownout ang ilang lugar sa bansa, partikular sa Pangasinan at Davao, dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente.